Manila, Philippines – Hinamon ng Commission on Human Rights (CHR) ang PNP na malalimang imbestigahan ang pagkakasangkot ng dating police officer na si Eduardo Acierto sa isyu ng smuggled na P6.8 billion na shabu.
Ginawa ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline De Guia ang pahayag kasunod lumabas na imbestigasyon sa Kongreso na si Acierto ang siya umanong naghanap ng consignee for hire para maipuslit ang magnetic lifters na naglalaman ng P6.8 billion na shabu.
Ayon kay De Guia, sa pamamagitan ng malalimang imbestigasyon, malilinis ng PNP ang imahe nito.
Maipapakita ng PNP na handa nitong akuin ang pananagutan laban sa ilang matiwali nitong miyembro.
Dagok aniya ito sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga lalo pa at ang PNP ang nasa frontline ng gobyerno na naatasang dumurog sa droga ang nasasangkot sa smuggling ng droga sa bansa.
Nakakalungot isipin na habang dumarami ang napapatay na maliliit na tulak ng droga, wala ni isa mang drug lord ang naaresto at nakakasuhan.