Manila, Philippines – Hinamon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang mga kumukwestyon sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Go, dapat samahan ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison si Duterte para personal nitong malaman ang kalusugan ng Pangulo.
Giit ni Go, kayang matapos ni Duterte ang kaniyang termino sa 2022.
Hinikayat rin ni Go sina Magdalo Party-List Representative Gary Alejano at Senator Antonio Trillanes IV na sumama sa biyahe ng Pangulo sa Israel sa Setyembre para magpatingin sa ulo.
Mababatid kasi na sinabi ni Alejano na kaya pupunta ng Israel at Jordan ang Pangulo ay para magpagamot at walang kinalaman ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Facebook Comments