HINAMON | Sen. Drilon, hinamon ang Palasyo na kasuhan ang LP members na sangkot sa destabilisasyon

Manila, Philippines – Hinahamon ngayon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Malacañang na sampahan ng kaso ang mga miyembro ng Liberal Party o LP na sangkot sa nilulutong destabilisasyon laban sa Administrasyong Duterte.

Tugon ito ni Drilon sa ginigiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakikipagsabwatan sa komunistang grupo ang oposisyon para mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Drilon, responsibilidad ng palasyo ng maghain ng kaso dahil nalalagay na sa alanganin ang kredibilidad ng oposisyon bunsod ng mga walang basehang akusasyon.


Ipinunto ni Drilon na mismong si Armed Forces of the Philippines o AFP Chief General Carlito Galvez na ang nagsabi na walang kinalaman ang oposisyon sa nilulutong ouster plot kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments