HINAMON | Sen. Hontiveros dapat maglabas ng ebidensiya sa kanyang paratang na may “tara” system sa NFA

Manila, Philippines – Hinamon ngayon ng Palasyo ng Malacañang si Senadora Risa Hontiveros na maglabas ng anomang ebidensiya na magpapatunay ng ibinunyag nito na “tara” system sa loob ng National Food Authority o NFA na nagpalala umano ng sitwasyon ng supply ng bigas sa bansa.

Matatandaan na nag privilege speech si Hontiveros kung saan ibinunyag nito na aabot sa 2 billion pesos ang nakukulimbat sa “tara” system sa rice imports kung saan pinapatungan ng 100 hanggang 150 piso ang bawat sako ng bigas sa NFA kung saan nakikinabang din umano dito si dating NFA Administrator Jason Aquino.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, umaasa sila na mayroong matitibay na ebidensiya si Hontiveros at hindi bahagi ng political grandstanding.


Sinabi din ni Roque na hindi siya kumbinsido sa expose ni Hontiveros lalo pa at kilala niya itong mahilig magpasikat.
Matatandaan na sinabi ni Roque na siya mismo ang magsasampa ng kaso kay Aquino kung walang ibang maglalakas loob na magsampa ng kaso.

Facebook Comments