HINAMON | Solicitor General Jose Calida, hinamon si on leave CJ Sereno na iprisinta ang kanyang mga nawawalang SALN

Manila, Philippines – Hinamon ni Solicitor General Jose Calida si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na iprisinta ang kanyang mga nawawalang Statements of Assets, Liabilities and Networths (SALN) noon siya pa ay law professor ng University of the Philippines (UP).

Giit ni Calida, dapat maipakita ni Sereno ang kanyang mga nawawalang SALN kung nagawa pala nito maisumite.

Una nang nagpasa si Calida sa SC ng certification mula sa UP Human Resource Development Office (UP-HRDO) kung saan nagawang magpasa ang punong mahistrado ng kanyang 1985, 1990, 1991, 1993-1997 at 2002 saln.


Ipinunto pa ni Calida na walang independent evidence na nagpapatunay na nakapaghain si Sereno ng mga nasabing SALN kasama ang 1986—1989, 1992, 1999, 2000, 2001, 2003-2006.

Nabatid na naghain si Calida ng kanyang quo warranto petition sa SC na kumukwestyon sa 2012 appointment ni Sereno bilang chief justice dahil sa kabiguang magsumite ng kanyang SALN sa Judicial and Bar Council (JBC).

Facebook Comments