HINAMON | Usec. Martin Diño, hinimok ang mga kongresista na magpasa ng batas na magbabawal sa mga opisyal ng barangay na humingi ng pabor sa mga malalaking pulitiko

Manila, Philippines – Hinimok ni Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang mga kongresista na magpatibay ng batas na magtitiyak na hindi na maniniklihod pa sa mga malalaking pulitiko ang mga Barangay at Sangguniang Kabataan Officials.

Aniya, dapat ay pagbawalan na mga opisyal ng barangay na humingi ng pabor sa mga gobernador at congressman para lubusan silang makapagsilbi sa kanilang mamamayan.

Tahimik na rin si Diño sa hamon ng mga kongresista na maglabas siya ng ebidensya sa bintang na nakialam ang mga ito sa katatapos na eleksyon.


Humingi na ng paumanhin si Diño sa mga kongresista na pinasaringan niya na nakialam sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Aminado si Diño na report at hindi complaint ang pinanghahawakan niya kaugnay ng nauna niyang pagbubunyag.

Facebook Comments