Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi lang aplikasyon sa amnesty ni Sen Antonio Trillanes IV ang hinanap ni Solicitor General Jose Calida sa Armed forces of the Philippines.
Ayon kay Lorenzana, maging ang rekord ng ibang kasamahan o grupo ni Trillanes na nag apply sa amnestiya ay hinalungkat rin ni Calida na aabot aniya sa mahigit isang daan.
Ginawa ni Lorenzana ang paliwanag dahil sa umanoy pagsi single out ni Calida kay Trillanes para matukoy ang estado ng kanyang amnesty application.
Ayon kay Lorenzana August 16, 2018 nang tawagan sya ni Calida para alamin ang detalye ng amnesty application ni Trillanes at grupo nito na inaprobahan naman ng kalihim.
Dahil dito sinabi ni Lorenzana na anuman ang magiging desisyon ng korte suprema sa inaprobahang proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi lang ang senador ang maapektuhan nito maging ang mga kasama o grupo na nabigyan ng amnesty.
Bukas ang itinakdang pagdinig ng supreme court kaugnay sa proclamation 572 na aprobado ni Pangulong Duterte matapos ang inihaing petisyon for injunction and temporary restraining order o TRO ng kampo ni Senator Trillanes.