HINARANG | 8,000,000 pisong halaga ng mga ukay-ukay, naharang ng BOC sa Manila International Container Port

Manila, Philippines – Apat na container van na naglalaman ng mga misdeclared items ang naharang ng mga tauhan Bureau of Customs sa Manila International container port.

Galing umano ito sa Hong Kong, Singapore, at Tubaya sa China.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña – idineklarang mga personal na gamit at transformers ang laman ng shipment.


Pero nang dumaan sa x-ray machine, lumabas na mga ukay-ukay na damit at gamit sa opisina ang laman nito na nagkakahalaga ng P8,000,000.

Magpapalabas na ng alert order ang Office of the DISTRICT Collector ng BOC, para hindi mailabas ang apat na container van habang hinihintay na ang warrant of seizure and detention laban sa mga consignee nito.

Bukod sa babawian ng accreditation, inihahanda na rin ng BOC ang mga kasong isasampa laban sa mga consignee.

Facebook Comments