HINARANG | Isang colorum na van na puno ng pasahero na biyaheng Bicol, pinigil ng LTFRB

Isang puting Nissan van na may plakang OW4064 na puno ng pasahero na biyaheng Bicol ang pinigil ng LTFRB dahil sa pagiging colorum.

Itinimbre sa LTFRB ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa pangunguna ni Atty. Ariel Inton ang iligal na operasyon ng tinatawag niyang scalper o mga colorum na van na umaali aligid sa bus terminal na humihimok sa mga pasahero na sumakay sa kanila.

Agad na rumisponde ang anti colorum team ng LTFRB na agad nagkasa ng operasyon sa may 9th street sa Cubao.


Inantay muna ng team na mapuno ng pasahero ang van at nang lumarga ng ilang metro ay dito na ito hinarang.

Ayon kay Ian Buenafe, Senior transport Development Officer, walang maipakitang registration ang driver ng van na si Randy Cabahug na magpapatunay na maaring gamitin sa pagbiyahe ng pasahero ang van sa rutang Bicol at Sorsogon.

Dismayado naman ang mga pasahero na kaniya kaniya naman hingi ng reimbursement ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments