HINARANG | Milyong pisong halaga ng mga misdeclared goods, naharang ng BOC

Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa 28.92 million pesos ang kabuuang halaga ng mga misdeclared na produkto sa dalawang major sea port sa Maynila, ngayong araw.

Una ay sa Manila International Containe Port, ang shipment na nagmula pa sa China at Korea ay idineklara lamang bilang household materials, nang buksan, dito na tumambad sa mga otoridad ang mga facial products tulad ng cleanser, cream at facial mask na hindi sumailalim sa pagsusuri ng Food and Drug Administration.

Dalawa pang shipment ang nagdeklara lamang na kitchen wares, ngunit naglalaman ng mga speaker, CCTV, tiles, rubber pads at mga pagkain na wala ring FDA permit.


Samantala, sa Port of Manila naman, 16 na container ang naglalaman ng mg pekeng damit at steel coil.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, nakapagbaba na sila ng warrant of seizure and detention mga shipment dahil sa paglabag sa Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act, habang pinababawi na rin ang accreditation ng mga lumabag na importers at customs brokers.

Facebook Comments