HINARANG | News agency na Rappler, pinigilan makapasok sa Malacañang

Manila, Philippines – Hindi pinayagan ng Malakanyang na makapag-cover kay Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng palasyo ang news agency na Rappler.

Pinigilan ng miyembro ng Presidential Security Group na si Marc Anthony Cempron na papasukin ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada, isa rin miyembro ng Malacañang Press Corps sa New Executive Building kung saan naroon ang press office.

Ayon kay Cempron, mayroong utos mula sa ‘itaas’ o sa kanilang ‘operations’ na hindi pwedeng pumasok si Ranada.


Kalaunan ay pinapasok din ng New Executive Building si Ranada pero sa mismong palasyo kung saan ginaganap ang mga event na dinadaluhan ni pangulong duterte ay bawal siyang mag-cover.

Hindi naman masabi ng mga taga-PSG kung bakit bawal si Ranada sa Malakanyang at kung hanggang kailan tatagal ang kautusan.

Facebook Comments