HINARAP | Rider na nagbanta sa isang enforcer, hinarap ni MMDA Special Operations Chief Bong Nebrija

Quezon City – Hinarap ni MMDA Special Operations Chief Bong Nebrija ang rider na nagbanta sa buhay ng kaniyang tauhan sa Quezon City.

Una nang pinahanap ni Nebrija ang bahay ng rider na si Jeffer Torres na pinagbantaan ang buhay ng isang MMDA enforcer na sumita sa kaniya dahil sa illegal parking sa Kaliraya Road.

Iginiit ni Nebrija sa rider na hindi nito dapat pinagbabantaan ang kaniyang mga tauhan na nagpapatupad lang ng batas.


Nakikipagmatigasan pa at nangangatwiran si Torres pero kinalaunan ay kumalma rin nang makiusap na ang kaniyang mga kaanak sa opisyal ng MMDA.

Sa huli, pumayag na rin ang MMDA enforcer na huwag nang ituloy ang pagsasampa ng reklamo laban kay Torres dahil sa ginawang pagbabanta.
r

Facebook Comments