Isinusulong ngayon ng Department of Health – Center for Health Development 1 ang pagdiriwang ng ligtas na kapaskuhan lalo na pagdating sa kabi-kabilang handaan ngayong holiday season.
Sa naganap na Kapihan sa Ilocos ng Philippine Information Agency, mariing iminungkahi ng ahensya ang hinay-hinay sa pagkain sa mga handaan.
Ayon sa DOH CHD 1 Nurse V at Health Education and Promotion Officer III, importanteng matiyak ang pagkakaroon ng well-balanced diet upang hindi lamang puro matataba, maaalat at matatamis ang makain ngayong holiday season.
Anila, mahalaga na sabayan ito ng prutas at gulay kasabay ng pagkain ng mga karne.
Dagdag pa rito ang alcohol consumption lalo ngayong inaasahan na kaliwa’t-kanan ang magiging selebrasyon kaya naman paalala nang ahensya ang pagtitimpi sa mga inuming nakakalasing.
Panawagan ng ahensya ang kampanyang healthy handaan alinsunod sa pagsusulong ng Ligtas Christmas: Pamilyang Patok Kapag Kumpleto at Ligtas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨