HINDI AABUSUHIN | Malacanang, tiniyak na pangangalagaan ang karapatan ng mga lumad; Pagtanggi sa pagpasok ng investors sa kanilang lupain, rerespetuhin ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacanang na hindi maaabuso ang karapatan ng mga lumad sa pagpasok ng mga investors sa kanilang ancestral domain.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, papapasukin niya ang mga investors sa lupain ng mga Lumad para umunlad ang kanilang pamumuhay at para hindi maimpluwensiyahan ng teroristang New People’s Army (NPA).

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ano man ang sinabi ni Pangulong Duterte ay pakikinabangan ng mga Lumad.


Binigyang diin din naman ni Roque na hindi naman ipipilit ng pamahalaan ang kanilang kagustuhan na umunlad ang ancestral domain ng mga Lumad kung ayaw ng mga ito na makapasok ang mga investors dahil mayroong kapangyarihan ang mga ito na tanggihan ang gusto ng gobyerno dahil ito ay nakabase din sa batas.

Nangangamba kasi ang ilan na baka mapagsamantalahan at maabuso ang mga katutubo sa oras na pumasok na ang mga investors sa kanilang mga lugar.

Tiniyak din naman ni Roque na pangangalagaan ng pamahalaan ang karapatan ng mga Lumad sa oras na pumasok ang mga investors sa kanilang lupain.

Facebook Comments