HINDI AALIS | Senator Trillanes, mananatili sa Senado hangga’t pa nareresolba ang isyu sa kanyang amnesty

Manila, Philippines – Bilang pagsunod sa payo ng kanyang mga abogado ay nagpasya si Senator Antonio Trillanes IV na manatili sa loob ng Senado hangga’t hindi pinal na nareresolba ang isyu ng pagwalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang amnestiya.

Sabi ni Trillanes, malinaw na hindi sinsero ang pahayag ng mga otoridad at ng palasyo na siya ay hindi aarestuhin dahil wala pang warrant of arrest na inilalabas ang korte.

Ayon kay Trillanes, nang lumabas ang kanyang sasakyan kahapon at noong nakaraang gabi ay may mga bumuntot na nakamotorsiklo na hinihinala nilang mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.


Paliwanag ni Trillanes, hindi mapanghahawakan ang pahayag ng liderato ng AFP at PNP na sya ay hindi huhulihin dahil pwedeng ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pag-aresto sa kanya sa oras na siya ay lumabas mula sa gusali ng Senado.

Ipinunto ni Trillanes na sa laki ng galit sa kanya ni Duterte ay siguradong sasamantalahin nito ang anumang oportunidad para siya ay maipakulong.

Binanggit din ni Trillanes na maging sa kanyang tahanan ay may umaaligid o nagmamanman ding sasakyan.

Facebook Comments