HINDI AATRAS | Senator Trillanes, matapang na haharapin ang kasong Inciting to Sedition

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senator Antonio Trillanes IV na matapang niyang haharapin ang kasong Inciting to Sedition at hindi niya tutularan si Pangulong Rodrigo Duterte na duwag umanong humarap sa kaso. Pahayag ito ni Trillanes, makaraang magpasya ang Pasay City Prosecutors Office na iakyat sa korte ang kasong Inciting to Sedition laban sa kanya. Giit ni Trillanes, maliwanag na baluktot at panggigipit sa kanya ang nabanggit na kaso na nakabase sa kanyang naging privilege speech sa senado na bukod sa merong constitutionally guaranteed immunity from suit, ay wala din siyang inudyokan na gumawa ng anuman. Ayon kay Trillanes, kung ang pakay nito ay takutin siya para umatras sa pagpuna kay Pangulong Duterte, ay lalo pa aniya siyang ginaganahan na tumayo laban sa mali at masama. Statement of Senator Trillanes on Inciting to sedition case: “Hindi gaya ni Duterte na duwag humarap sa kaso, haharapin ko ito. Maliwanag na baluktot at panggigipit itong kasong ito na nakabase sa privilege speech ko sa Senado na bukod na sa mayroong constitutionally guaranteed immunity from suit, ay wala akong inincite na kung sino to do anything. Kung ang pakay nito ay takutin ako para umatras ako sa pagpuna kay Duterte, well, sabi ko nga dati pa, lalo pa akong ginaganahan tumayo laban sa mali at masama.”

Facebook Comments