HINDI ABSWELTO | Dating Pangulong Noynoy Aquino, dapat ding ma-sorry sa isyu ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Dapat umamin at mag-sorry na si dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa isyu ng Dengvaxia.

Ito ang iginiit ni Senator Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee kasunod ng pag-anunsyo na natapos na nila ang mga rekomendasyon sa Dengvaxia.

Ayon kay Gordon, sa halip na manisi ay mabuting humingi na lang ng tawad si Aquino.


Gayunman, kahit ma-sorry aniya si Aquino ay hindi pa rin siya abswelto sa kaso.

Batay sa committee report, tila iniiwasan ni Aquino ang responsibilidad nito sa kontrobersya ng Dengvaxia, tulad ng pag-iwas nito noon sa isyu ng madugong Mamasapano operation.

Facebook Comments