Manila, Philippines- Pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paratang ng Partido Manggagawa, na dine-delay nila ang pagpapasa ng Executive Order kontra kontraktwalisasyon.
Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglungsod, nagkaroon ng diyalogo sa pagitan ng Pangulo at mga labor groups kung saan sinabi ng Pangulo na kailangan munang busisiing maigi ang nilalaman ng proposed EO ng kaniyang legal advisers.
Kaugnay nito, umapela naman ng mas mahabang pasensya si Maglunsod sa mga manggagawa, dahil, hindi naman agad agad ang pagpapatupad ng Executive Order at ginagawa naman ng pamahalaan ang kanilang makakaya sa lalong madaling panahon.
Facebook Comments