Manila, Philippines – Ipinasasauli ni Senate President Koko Pimentel sa Dalian Locomotive and Rolling Stocks Corporation ang P3.8 bilyon ibinayad ng Pilipinas para sa biniling 48 bagon ng MRT.
Giit ni Pimentel, hindi sapat ang simpleng pagkansela sa kontrata at pagbabalik ng mga bagon sa nasabing manufacturer.
Aniya, hindi rin tama na palagpasin ito ng Gobyerno lalo’t alam ng dalian na ang ibinigay nilang mga bagon ay hindi akma sa MRT.
Maliban rito, nais ni Pimentel na i-blacklist sa lahat ng mga susunod na proyekto ng gobyerno ang Dalian.
Matatandaang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hindi akma sa sistema ng MRT ang biniling mga bagon ng nakaraang administrasyon.
Bukod sa mabigat ang mga bagon, nasa 29 lamang ang may signalling system kaya hindi magamit.