‘HINDI AKO NANDAYA’ | Dating DILG Secretary Mar Roxas, itinangging nakinabang siya sa umano’y dayaan noong halalan 2016

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ni dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakinabang siya sa dayaan noong 2016 elections.

Giit ni Roxas, hindi siya nandaya at hindi rin siya mandaraya.

Batid niya kung gaano kasakit ang madaya dahil dalawang milyong boto ang nawala sa kanyang boto noong 2010 elections kung saan tumakbo siya sa pagkabise presidente.


Sinabi pa ni Roxas – hindi niya kailanman kaya itong gawin sa kahit sino.

Iresponsable aniya ang magbitaw ng mga akusasyon na ibinase lang sa salitang ‘parang’.

Facebook Comments