HINDI APEKTADO | Mga OFW na may OEC, hindi kasama sa deployment ban sa Kuwait – DOLE

Manila, Philippines — Nilinaw ni Labor Sec. Silvestre Bello III na hindi apektado ng deployment ban ang mga Overseas Filipino Worker sa Kuwait na may hawak na overseas employment certificate.

Sabi ni Bello, yung mga kukuha pa lamang ng OEC ang hindi muna ipo-proseso ng Philippine Overseas Employment Agency habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong OFW’s sa Kuwait.

Aniya, binigyan niya ng labinlimang araw ang labor attaché sa Kuwait para tapusin ang imbestigasyon.


Kung mapapatunayan aniyang minaltrato ang mga namatay na OFW’s posibleng tuluyan nang ipatupad ang total ban sa pagpapadala ng Pinoy workers sa Kuwait.

Kaugnay nito ay nakatakda namang makipagpulong ang ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs sa ambassador ng Kuwait sa Pilipinas sa Lunes (Jan. 22).

Facebook Comments