HINDI APEKTADO | Presyo ng isda sa pamilihan, nananatiling matatag ayon sa BFAR

Manila, Philippines – Tiniyak Ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatiling matatag ang presyuhan ng isda sa mga pamilihan.

Ayon kay BFAR Fisheries Development ang support services division chief Amor Diaz, hindi apektado sa mainit na panahon ang mga isda dahil nasa tubig sila.

Base sa presyo ng mga isda sa Commonwealth Market.


Ang galunggong ay nasa 120 pesos kada kilo, pusit ay nasa 320 hanggang 340 pesos kada kilo.

Nasa 380 pesos per kilo ang hipon, maglalaro sa 150-160 pesos per kilo ang bangus.

100 piso kada kilo naman ang tilapia, 280 pesos kada kilo sa talakitok habang nasa 700 piso kada kilo ang salmon.

Facebook Comments