Hindi bababa sa 6 katao, patay sa mass shooting sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng 4th of July Parade sa Illinois, USA

Hindi bababa sa anim na katao ang nasawi dahil sa pamamaril sa Illinois sa Estados Unidos sa kalagitnaan ng parade bilang selebrasyon ng kanilang Independence Day.

Ayon kay Chris O’neil, Commander ng city police ng Illinois, mahigit 20 indibidwal din ang isinugod sa pagamutan dahil sa tama ng bala.

Agad namang ipinag-utos ng mga awtoridad sa lahat ng residente na manatili lamang sa loob ng kanilang mga bahay.


Itinigil na rin ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa 4th of July dahil sa nangyaring karahasan.

Sa kasalukuyan, hindi pa naaaresto ang suspek sa pamamaril na nasa edad 18 hanggang 20.

Batay sa datos ng website na Gun Violence Archive, tinatayang nasa 40,000 ang namamatay kada taon sa Amerika na may kaugnayan sa paggamit ng baril.

Facebook Comments