Manila, Philippines – Mananatili parin ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang Deployment Ban sa Kuwait.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng pagkakaaresto ng mga otoridad sa magasawang suspect sa pagpatay kay Joana Demafelis na nakita sa loob ng freezer.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, natutuwa sila at nahuli na ng mga sinasabing pumatay sa OFW pero hindi nito maaapektuhan ang deisyon ni Pangulong Duterte na ipagbawal ang pagpapadala ng mga manggagawa sa nasabing bansa.
Paliwanag ni Roque, mananatili ang kautusan ng Pangulo hanggang hindi nagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait na poprotekta sa mga Pilipinong nagtatrabaho doon.
Umaasan rin naman aniya ang pamahalaan na matapos mahuli ang mga suspect sa pagpatay kay Demafelis ay dadaan sa prosekusyon ang kaso nito at maparusahan ang mga ito.
Matatandaan na sa magasawa ay unang nahuli ang lalaking suspect at huli naman ngayon ang asawa nito.