HINDI BABAWIIN | Proclamation number 572, hindi i-aatras ng Malacañang

1884

Manila, Philippines – Walang balak bawiin ng Palasyo ng Malacañang ang Proclamation number 572 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklarang inbalido ang Amnesty na ibinigay kay Senador Antonio Trillanes.

Ito ay sa harap narin ng pagpapakita ni Senador Trillanes ng kanyang amnesty Application na may approval at sinabi naman ni Senador Frank Drilon na hindi alam ng gobyerno na nadismiss na ang kaso ni Trillanes noong 2011 at may option naman si pangulong Duterte na bawiin ang inilabas na proklamasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, paninindigan ng Malacanang ang Proklamasyon na inilabs ng Pangulo.

Una nang Sinabi ni Roque na malaya naman si Trillanes na gamitin ang lahat ng legal remedies sa kaso nito.

Binigyang diin din ni Roque na naging bisyo na ni Trillianes ang mangudyok kahit noon pang panahon ni Dating Pangulong Arroyo at patunay na hindi nito pinagsisisihan ng kanyang ginawa ay dahil ipinagpapatuloy pa nito ang kanyang destabilisasyon sa Duterte administration.

Facebook Comments