HINDI BATAYAN | Pagpapatupad ng minimum height requirement at no-tattoo rule, ipinababasura

Manila, Philippines – Ipinababasura ng mga mambabatas sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng minimum height requirement at no-tattoo rule sa pagpasok sa kanilang hanay.

Ayon kay Davao City 1st District Representative Karlo Nograles, hindi batayan ng abilidad ng mga taong gustong magpulis o magsundalo kung sila ay kinulang sa height o ang pagkakaroon nila ng tattoo.

Binigyan diin ng mambabatas na ang mas mahalaga ay ang kakayahan ng mga ito na lumaban at ipagtanggol ang ating bayan.


Batay sa regulasyon ng PNP-academy, ang pagkakaroon ng tattoo ng mga nag-aaral na maging pulis ay grounds para sa medical disqualification.

Parehong nasa at least 5-feet naman ang height requirement sa pagpasok sa PNP at AFP.

Facebook Comments