Manila, Philippines – Hindi bayad utang.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay ka-Eduardo Manalo ang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo bilang special Envoy of the President for OFW.
Matatandaan kasi na kay Pangulong Duterte sumuporta ang INC na kilala sa kanialng block voting tuwing halalan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi political accommodation ang dahilan kaya naitalaga si Manalo sa posisyon.
Paliwanag ng kalihim, naniniwala kasi ang Pangulo na dahil sa lawak ng impluwensiya ng kongregasyon nito sa buong mundo at kinikilala aniya ni Pangulong Duterte ang matagal nang pagtulong ni ka Eduardo sa mga nangangailangang OFWs.
Nilinaw din naman ni Roque na walang budget allocation ang pamahalaan para sa mga special envoy tulad ni Manalo.
Pero aalamin pa rin naman aniya niya kung tutulong ang gobyerno sa mga inaasahang gastos ni Manalo dahil bilang pagtupad sa kanyang tungkulin ay obligado itong mangibang bansa para kamustahin ang mga OFWs sa ibat-ibang bansa.
HINDI BAYAD UTANG | Pagkakatalaga kay ka-Eduardo Manalo, hindi political accommodation – Malacanang
Facebook Comments