HINDI BIG DEAL? | Kautusan ng Canadian government na pag-aralang muli ang helicopter deal nito sa Pilipinas, minaliit lang ng Malacañang

Manila, Philippines – Hindi big deal para sa Palasyo ng Malacañang ang ginawang hakbang ng Canadian Government na pagaralang muli ang mahigit 200 million Dollars na halaga ng helicopter deal ng Armed Forces of the Philippines.
Iniutos kasi ng Canadian Government ang pag-aaral sa pagbebenta sa Pilipinas ng 16 na Helicopters dahil posibleng gamitin ito sa paglaban sa mga rebele na taliwas sa napagkasunduan noong 2012 na ang mga helicopters ay gagamitin para sa search and rescue missions.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kung ayaw ng Canadian Government ay hindi naman ito problema para sa pamahalan.
Paliwanag ni Roque, maaari namang maghanap ang pamahalaan ng iba pang bansa na maaaring pagbilhan ng mga helicopters.
Matatandaan na napigil din ang pagbebenta ng Estados Unidos ng Amerika ng mga assault rifles sa Philippine National Police dahil umano sa Human Rights Violations kung saan sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang problema dahil nandyan naman ang China at ang Russia.

Facebook Comments