Maldives – Nanawagan si Maldives President Abdulla Yameen sa parliamentary na palawigin pa ng tatlumpung araw ang state of emergency sa kanilang bansa.
Ayon kay Deputy Parliamentary Secretary General Fathmath Niusha, humiling si Yameen sa lehislatura na bumoto pabor para sa pagpapalawig ng state of emergency dahil hindi pa rin umano nagbabago ang sitwasyon sa Maldives.
Sa ilalim ng state of emergency, ipinaaresto ng administrasyon ni Yameen ang chief justice, isa pang hukom ng Supreme Court at si dating President Maumoon Abdul Gayoom.
Matatandaang nagdeklara ng labing limang araw na state of emergency si Yameen noong February 5 na matatapos na ngayong araw.
Samantala, naglabas na ng travel warnings ang United States, Britain, China at India sa Yameen dahil sa sitwasyon.