Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, pilit ngayong pinapaikot muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko sa pamamagitan ng katwiran na mayroon syang Freedom of Expression kaya may kalayaan syang atakehin ang Diyos at ang paniniwala ng mga Kristyano.
Kaya giit ni Trillanes sa Malakanyang, huwag pilipitin ang isyu at tigilan na ang mga propaganda para pagtakpan ang kasalanan ni Pangulong Duterte.
Walang ding katotohanan para kay Trillanes ang palaging katwiran ni Pangulong Duterte na inabuso siya ng isang pari noong siya ay estudyante kaya ganun na lang kalaki ang hinanakit niya sa mga pari ng Simbahang Katolika.
Naniniwala pa si Trillanes, na gimik lang at wala ding patutunguhan ang nakatakdang dayalogo ng Malakanyang sa mga leader ng simbahan at iba pang Religious Groups.
Diin ni Trillanes, dapat sinserong humingi ng tawad sa publiko si Pangulong Duterte.