HINDI DAPAT BALEWALAIN | Sen. Bam Aquino, pinapakilos ang DepEd para tiyaking mabibigyan ng trabaho ang graduates ng k-12 program

Manila, Philippines — Pinapakilos na ni Senator Bam Aquino ang Department of Education para palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at industriya.

Ito ay para matiyak na mabibigyan ng trabaho ang lahat ng magtatapos sa K-to-12 program.

Giit ni Aquino, hindi dapat balewalain ang kinabukasan ng mga K-to-12 graduates.


Ginawa ni Senator Aquino ang pahayag bunsod ng pangamba ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ukol sa kakulangan ng on-the-job training requirements sa unang batch ng K-to-12 students.

Facebook Comments