HINDI DAPAT BIGYAN? | Pagpapasok kay Janet Lim-Napoles sa Witness Protection Program, pinagdududahan

Manila, Philippines – Nagtataka si Albay Representative Edcel Lagman sa
pagmamadali ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre III na maipasok sa
Witness Protection Program (WPP) si Janet Lim Napoles.

Ayon kay Lagman, marami pang proseso ang dapat gawin bago maipasok sa WPP
si Napoles.

Bagaman provisonal pa lang, giit ni Lagman, hindi dapat bigyan ng
protective custody si Napoles lalo at ginagawa pa ang pagkilatis sa
katayuan ng nasasakdal.


Mali rin aniya na ang DOJ o mismong si Aguirre ang magdetermina kung dapat
maging testigo ng estado o hindi si Napoles.

Naniniwala rin aniya siya na gagamitin si Napoles laban sa mga kaalyado ng
dating administrasyon.

Facebook Comments