HINDI DAPAT GUMALAW | Price freeze, pinatutupad sa Region 5

Manila, Philippines – Mahigpit na ipinatutupad ng Department of Trade & Industry ang price freeze sa Region 5.

Batay sa abiso ng DTI hindi dapat gumalaw ang presyo ng mga basic commodities sa loob ng 60 araw mula nang ideklara ang State of Calamity.

Sakop ng price freeze ang mga delatang pagkain tulad ng sardinas gayundin ang processed milk, kape, sabong pampaligo at panlaba, instant noodles, kandila, tinapay at bottled water.


Matatandaan noong isang araw nagdeklara ng State of Calamity sa buong lalawigan ng Albay dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Facebook Comments