HINDI DAPAT KATAKUTAN | QCPD, nagtatag ng isang command group kasabay ng pagsisimula ng Oplan Tokhang

Manila, Philippines – Pangungunahan mismo QCPD Director PCSupt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang sabay-sabay na Oplan Tokhang operations ng lahat na police stations ng QCPD ngayong araw.

Isang command group ang itinatag niya na magmo-monitor sa Gagawing Oplan Tokhang.

Tiniyak ni Eleazar na mago-operate sila sa ilalim ng bagong guidelines.


Aniya, hindi naman dapat katakutan ang Oplan Tokhang dahil ito ay isang simpleng pakiusap para kusang magpa rehabilitate o mapagbago ang mga drug dependents.

Ipinagmalaki niya na sa paghawak ng QCPD sa unang tokhang ay hindi nabahiran ng kontrobersya ang QCPD.

Facebook Comments