Hindi dapat maihinto ang voucher program – DepEd

Naniniwala ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na hindi maaring mahinto ang voucher program ng kagawaran dahil marami pa umano silang kinukumpletong  pasilidad pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Undersecretary for Finance Service and Education Programs Delivery Unit Annalyn Sevilla, hinahanapan nila ng suporta mula sa legislative branch at Department of Budget and Management (DBM) na maibalik ang mababang 2020 pondo upang maipagpatuloy ang kanilang programa.

Paliwanag ni Sevilla, nagpapasaklolo sila sa Senado at DBM na hindi pwedeng mahinto ang voucher program sa panahong ito dahil marami pa aniya silang kinukumpletong programa at kung babawasan umano sila ay mayroon pa silang payables na paparating na kailangan nilang kontrolin ang mga bagong mag-avail ng programa.


Nilinaw ng opisyal na kung ano ang ibibigay na pondo na nakalaan para sa kanila ay pagkakasyahin nila para sa susunod na taon ay ganundin ang ibibigay nila na slot na available.

Matatandaan na ang orihinal na pondo para sa Government Assistance and Subsidies (GAS) ay 52,000 piso sa susunod na taon pero ang DBM 2020 National Expenditure Program ay naglaan lamang ng 31.18 billion pesos bumaba ng 2.93 percent mula sa 2019 General Appropriation Act ng 32.12 billion pesos ng naturang programa.

Facebook Comments