HINDI DAPAT SAPILITAN DepEd, muling nagpaalala na wala dapat katumbas na grado ang mga extracurricular activities

Manila, Philippines – Kasabay ng mga kaliwa’t kanan aktibidad ngayon sa mga paaralan tulad ng field trips, muling nagpaalala ngayon ang Department of Education sa mga paaralan na hindi dapat sapilitan ang pagpapasali sa mga mag-aaral dito.

Ayon sa DepEd, sa ilalim ng Special Provisions ng DepEd Order no. 66, series of 2017, lahat ng co-curricular at extra activities ay wala dapat grade equivalent o hindi dapat makakaapekto sa grado ng mga mag-aaral.

Nakasaad din dito na lahat ng hindi sasali sa mga extracurricular activities ay hindi dapat i-require ng kahit ano mang special projects o school requirements.


Agad anilang ipagbigay alam sa tanggapan ng DepEd, ang mga paaralang lalabag dito upang agad na magawan ng aksyon.

Facebook Comments