HINDI DAW RALLY | Australian nun Patricia Fox, dumipensa sa pagdalo sa isang event sa Davao City

Manila, Philippines – Inamin ng Australian nun na si Sister Patricia Fox na siya ang mga nasa lawarawang ipinakita kamakailan ng Malacañan.

Giit ni Fox – hindi rally ang dinaluhan niya sa litrato na ginanap sa Davao City.

Nagbigay lamang aniya siya ng isang mensahe sa naturang pagtitipon para itaas ang morale ng mga manggagawa.


Sinabi ni Fox na karapatan ng bawat manggagawa na humingi ng patas na pasahod.

Umaasa naman si Fox na hindi na siya mapalayas sa Pilipinas dahil gusto niyang manatili rito.

Sa loob ng halos tatlong dekada, tumutulong na ang madre sa mga indigenous people sa bansa.

Facebook Comments