Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa 231 na master cases at 391 na reams ng mga hindi dokumentadong sigarilyo sa isang warehouse sa Barangay Cuta, Batangas City.
Naging posible ang naturang operasyon sa pakikipagtulungan ng Japan Tobacco International Philippines at ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Field Operating Unit- Southern Tagalog.
Matapos matanggap ng BOC ang report, kaagad namang nagbigay ng seguridad ang PCG sa mga tauhan ng BOC at nagsagawa ito ng Paneling inspection sa naturang lugar.
Ang operasyon na ay isinagawa sa bisa ng authorization at mission order na inilabas ng BOC laban sa may-ari ng warehouse.
Nagsagawa rin ng inventory ang BOC sa mga nadiskubre na iba’t ibang uri ng sigarilyo.
Ayon sa BOC, mayroon lamang 15 days ang may-ari ng warehouse upang ipakita nito ang mga kinakailangan na dokumentado upang mapatunayan na bayad ang mga kinakailangang taxes ng mga nadiskubreng sigarilyo.