Manila, Philippines – Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pope’s Day celebration sa Apostolic Nunciature sa Malate, Manila.
Sa halip, ipinadala ng Pangulo ang iba nitong representatives tulad nina sina Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella Pastor Boy Saycon at Presidential Spokesperson Harry Roque na pawang mga miyembro ng binuong panel na makikipag-dayalogo sa taga-simbahang Katoliko.
Hindi naman nakarating si Cabinet Secretary Leoncio Evasco, dahil may sakit ito.
Nabatid na nagkaroon ng “no holds barred” na pag-uusap sina Roque at Papal Nuncio Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa gitna ng selebrasyon kung saan tinalakay nila ang mga kontrobersyal na pahayag ng Pangulo laban sa simbahan.
Sinasabing mas inuna ni Duterte ang papunta ng personal sa burol ng mga nasawing pulis sa “misencounter” sa Sta. Rita Samar at pagkatapos ang nagtungo sa Tacloban City, Leyte para sa Sangyaw Festival of Lights.