HINDI EEPEKTO | Payo ni Mayor Sarah Duterte na huwag pakinggan ang mga pahayag ng Pangulo ukol sa Diyos at relihiyon, hindi uubra

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, maganda pero hindi uubra ang payo ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa publiko na huwag pakinggan ang mga pahayag ng kanyang ama patungkol sa Diyos at sa rehiliyon.

Diin ni Senator Lacson, Pangulo ng bansa ang ama ni Mayor Sarah kaya kapag ito ay nagsalita ay nakikinig ang mga Pilipino sa Iba’t ibang kadahilanan.

Ayon kay Senator Lacson, ang iba ay nakikinig kay Pangulong Rodrigo Duterte para hanapan ito ng pagkakamali at punahin.


Ang iba, ayon kay Lacson, ay nakikinig para makuha ng mga impormasyon o guidance sa policy statements ng Pangulo.

Sabi ni Lacson, may iba namang nakikinig sa Pangulo para ma-entertain at makumpleto ang araw.

Facebook Comments