Manila, Philippines – Nabawasan ang underspending sa ilalim ng Duterte administration.
Sa pagdinig ng P3.757 Trillion budget para sa 2019, sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na nabawasan ng P85.2 Billion ang underspending ng pamahalaan.
Ayon kay Diokno, malayo ang kasalukuyang gobyerno sa nakaraang administrasyon na tinawag niyang ‘notorious’ pagdating sa hindi paggastos ng pondo.
Aniya umabot ang underspending ng nakaraang Aquino government sa P631 Billion pesos kung saan maraming mga Pilipino ang napagkaitan ng oportunidad at maayos na pamumuhay dahil sa sobrang pagtitipid ng gobyerno.
Lumagpas naman sa P34.4 Billion ang paggastos ngayong taon ng pamahalaan pero ito aniya ay para agad na matapos ang mga proyekto kasama na dito ang mga proyekto ng nakaraang administrasyon.
Dagdag pa ni Diokno, maituturing na revolutionary ang kauna-unahang cash based budget ng pamahalaan na naglalayong maalis o ma-eradicate ang ‘underspending’.