HINDI HAHAYAAN | Gobyerno, hindi papayag na makapaglagay ng nuclear weapon sa WPS ang China

Manila, Philippines – Hindi papayag ang pamahalaan na makapaglagay ang China ng nuclear weapon sa West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ni Department of National Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong.

Sa harap nang naging babala ng Pentagon sa bansa na nagpapaplano ang China na maglagay ng nuclear elements sa mga isla sa West Philippine Sea.


Ayon kay Andolong, spekulasyon lang o wala pang matibay na plano para rito ang china batay na rin aniya sa pahayag ng US Department of Defense sa kanilang annual report sa US congress.

Base rin aniya sa kanyang nakuhang impormasyon nuclear power plant ang planong itayo ng China sa West Phil Sea ito ay upang magkaroon ng kuryente sa mga isla at hindi nuclear weapon.

Ibang usapan na aniya kapag nuclear weapon ang planong itayo ng china sa west phil sea na hindi naman pahihintulutan ng gobyerno.

Sa ngayon tuloy tuloy ang pagpapatrolya ng militar sa West Philippine Sea.

Mas naging maayos aniya ang sitwasyon ng mga sundalo doon kumpara sa mga nakalipas na taon kung saan wina -water canon sila ng mga Chinese Coast Guard.

Facebook Comments