Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ni Metropolitan Waterworks AND Sewerage System Administrator Reynaldo Velasco na hindi mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa Africa na may kakulangan ng supply ng tubig.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Velasco na mayroong sapat na tubig ang bansa pero inamin nito na kailangan ang treatment plan dahil ito ang problema ng bansa na magkaroon ng malinis na tubig.
Paliwanag ni Velasco na ang Chinese Contractor ang nanalo sa bidding kung saan 10 bilyon piso ang pinondohan ng China at ang natitira ay babalikatin naman ng Manila Water at Maynilad.
Aminado ang opisyal na mayroon pagkaantala ang kanilang proyekto dahil sa bidding pero ipinaubaya na nila sa mga kontraktor kung ano ang kanilang gagawin at bahala na ang MWSS dahil tinututukan naman aniya ito ng Office of the President ang naturang proyekto.
Pinayuhan naman ni Manila Water Chief Operating Officer Ding Carpio ang mga consumers na gamitin ang tubig ng tama at huwag mag aksya na ang tubig ay buhay.
Dagdag pa ni Carpio na sana huwag mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa South African shortage dahil may posibilidad na kukulangin dahil sa climate change kaya pinaghahandaan na nila ito sa pamamagitan ng paghahanap ng ibang sources o pagkukunan ng tubig.
Giit naman ni Maynila Water Chief Operating Officer Randy Estrallado na may problema tungkol sa nakawan ng tubig kaya ginagawa na nila ng kaukulang hakbang kung papaano matugunan ang naturang problema.