HINDI HANDA | Ilang OFW sa Kuwait, ayaw pang umuwi ng Pilipinas

Kuwait – Tumangging umuwi ng Pilipinas ang ilang Overseas Filipino Workers sa Kuwait.

Ito ay sa kabila ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umuwi na sila dahil sa ginagawang pagmaltrato ng kanilang mga amo sa Kuwait.

Giit ng ilang Pinoy sa Kuwait, hindi sila handang umuwi ng Pilipinas.


Malabo rin anilang kitain nila sa Pilipinas ang sinasahod nila sa Kuwait.

Kasabay nito, umapela sila kay Pangulong Duterte na pag-isipang mabuti ang kaniyang mga hakbang sa mga natitirang OFW sa Kuwait.

Facebook Comments