Manila, Philippines – Inihayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na bigo ang implementasyon ng K+12 Program.
Ayon kay Benjie Balbuena, Presidente ng ACT Philippines, taliwas sa ipinangangalandakan ng Department of Education (DepEd), hindi totoong job ready na ang unang batch ng graduates ng grade 12.
Patunay aniya dito ang kawalan ng nag-aantay na mga trabaho sa mga bagong nagtapos dahil sa tinatawag na job mismatch.
Paliwanag ni Balbuena ang mga na-develop na skills ng mga graduates ay technical aspect o yaong paglinis ng kuwarto at paggugupit ng buhok lamang.
Ang mga skills na ito aniya ay mahirap na hanapan ng employment sa bansa.
Dahil dito, malamang na maisama lamang ang mga bagong graduates sa statistics ng mga walang trabaho sa bansa.