HINDI HANDA | Pilipinas, itinuturing na ‘most attacked country in cyberspace’

Manila, Philippines – *I*tinuturing na ‘most attacked country in cyberspace’ ang Pilipinas.

Sa report ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos, nasa ika-sampung pwesto ang pilipinas sa mga ‘cyber attacked countries’ sa buong mundo at madalas nabibiktima ng cyber-attack sa timog-silangang asya.

Bukod dito, lumabas din sa global security index report na ang Pilipinas ay nasa rank 37 mula sa 193 bansa sa buong mundo pagdating sa cyber security preparedness.


Ibig sabihin, hindi handa ang bansa sa mga security threats sa internet.

Pero nangunguna naman ang pilipinas sa ibang bansa pagdating sa legal na aspeto partikular ay ang pagkakapasa ng data privacy act, e-commerce law at ang anti-wiretapping law.

Facebook Comments