HINDI HUHULIHIN | Senator Antonio Trillanes, hindi aarestuhin ng PNP

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police na hindi pagaresto kay Senator Antonio Trillanes IV ang pakay ng kanilang mga tauhan mula sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa senado.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, tutulong lamang ang Philippine National Police sa pagaresto kay Senator Trillanes pero hindi sila ang direktang aaresto rito.

Hanggang sa ngayon kasi ay walang hawak na warrant of arrest ang PNP kaya ang magiging papel ng PNP CIDG sa Senado ay bantayan ang lugar.


Una nang sinabi ni Department of National Defense Spokesperson Dir Arsenio Andolong na balik military status na si Sen. Trillanes matapos bawiin ang kanyang amnesty ni pangulong rodrigo duterte dahil sa kasong rebelyon.

Paliwanag pa ni Andolong na kapag article of war ang nilabag ng isang militar dapat AFP Court Martial ang didinig sa kanyang kaso at hindi civilian court.

Sa kabila naman na wala pa silang hawak ng warrant of arrest nakahanda aniya ang PNP sakaling magdesisyon ang mga nakatataas na mapunta sa custody ng PNP si Sen. Trillanes.

Facebook Comments