Manila, Philippines – Walang Senador ang nais magsulong sa ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2 law na naglalayong ibaba ang corporate income tax sa 25% mula sa kasalukuyang 30%.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa isinagawang caucus ng mga Senador ay wala sa kanila ang umaako na mag-isponsor ng TRAIN 2.
Ang pag-ayaw ng mga Senador sa TRAIN 2 ay sa kabila ng hininging suporta dito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA.
Pero sa kabila nito ay tiniyak naman ni Zubiri na kanila pa ring tatalakayin ang train 2 sa oras na iakyat na ito sa kanila ng Kamara.
Sabi naman ni Senate President Tito Sotto III, nagdadalawang-isip ang mga Senador na isulong ang TRAIN 2 dahil sa naging epekto ng TRAIN 1 sa inflation rate o tumataas na presyo ng mga bilihin.