Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat pa ng Palasyo ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang petisyon ni Senador Antonio Trillanes IV na humihingi ng Preliminary injunction at temporary restraining order o TRO sa proclamation number 572 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, noon palamang ay alam na ng Malacañang na walang matibay na basehan ang hirit ni Trillanes sa Korte Suprema.
Sinabi pa ni Panelo na maaaring idagdag na rin ngayon sa Comment ng Pamahalaan ang hindi pag-aapply ni Trillanes ang Ambesty at hindi pag-amin sa kanyang pagsasagawa ng kudeta noong 2003 at 2007 kahit na hindi naman ito nakasaklay sa proklamasyon.
Ipinaubaya narin naman ng Malacañang sa Makati Regional Trial Court ang pagpapasya ngayon sa magiging kapalaran ni Trillanes.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na susundin niya at igagalang kung ano ang magiging aksyon ng Makati RTC sa kaso ni Senador Trillanes.