Hindi raw ipe-pressure ni Edu Manzano ang anak niyang si Luis “lucky” Manzano para mag-asawa para magkaapo na siya.
Sabi ng beteranong aktor, noon pa man ay hindi na raw talaga siya nangingialam sa desisyon ng kanyang mga anak lalo na sa usapin ng pag-ibig.
Aniya, kahit nasa tamang edad na si Lucky (38), para mag-asawa ay hindi pa rin niya ito pinagsasabihan.
Dagdag pa ni Edu – proud siya sa tatlo niyang anak na mas inuna ang pag-aaral at propesyon bago magsipag-asawa.
Facebook Comments